Ikinadismaya ni Former ES Rodriguez sa Marcos admin KORUPSYON, ‘KATAKAWAN’ NG PARTIDO FEDERAL

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHASANG sinabi ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na ang talamak na korupsyon at panghihingi ng mga posisyon sa gobyerno ng mga kasama niya sa Partido Federal ng Pilipinas ang mga pangunahing dahilan ng kanyang pag-alis sa poder ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025,” sinabi ni Rodriguez na hindi niya masikmura ang korupsyon kaya siya nagpasyang umalis sa Malacañang. “Hindi ko masikmura ang korupsyon kung kaya’t ako ay umalis ng Malacañang. Ako ay binigyan pa ng isang…

Read More

Kaya takot ma-TRO 2025 budget AKAP, PORK BARREL NG KONGRESO MAHIHINTO

PINABULAANAN ni Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam kamakailan ang pahayag na magsasara ang gobyerno sakaling panigan ng Korte Suprema ang petisyon nila laban sa 2025 national budget. Ayon sa dating executive secretary ng Marcos administration, tuloy-tuloy ang operasyon ng gobyerno at maging ang sahod ng mga empleyado ng estado gamit ang reenacted budget paboran man ng SC ang kanilang petisyon. “Ang matitigil lamang ay ‘yung political spending na nilalaman nitong 2025 budget. Doon sila takot. Mabibinbin ang kanilang ayuda, ang kanilang AKAP, yung kanilang AICS, yung kanilang pork barrel…

Read More

15% TARIFF: MALING PARAAN NG PAGTUGON SA KRISIS SA BIGAS – IMEE

BINANATAN ni Senator Imee Marcos ang pagbaba ng taripa sa bigas na isang maling konsepto upang matugunan ang krisis sa bigas. Sa pagdaraos kahapon ng 2nd National Assembly and Unification Summit PolPHIL Party (People’s Progressive Humanist Liberal Party), inihayag ni Sen. Marcos ang pagpuna sa hakbangin ng Department of Agriculture sa pagdagsa ng imported na bigas nang ibaba ang taripa nito sa 15 porsyento mula sa 35 porsyento. Paano makakaagapay ang magsasakang Pilipino dahil pinayayaman pa natin ang Vietnamese at Pakistani samantalang pinupulubi natin ang Pilipinong magsasaka, paalala ni Marcos.…

Read More

PHILHEALTH FUND TRANSFER TATALAKAYIN NA SA SC

(JULIET PACOT) MAGSASAGAWA ng oral arguments ang Supreme Court (SC) kaugnay ng kontrobersyal na paglilipat ng P89.9 bilyong sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury. Simula alas-2 ng hapon ngayong Martes, Pebrero 4, 2025, ang oral arguments sa tatlong petisyon na naghamon sa paglipat ng sobrang bilyong pondo. Ang mga petisyon laban sa paglipat ay inihain ng mga grupo nina Sen. Aquilino Pimentel III, Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares at 1SAMBAYAN Coalition kasama ang mga miyembro ng University of the Philippines Law Class 1975, Senior for…

Read More

NETIZENS: TULFO ABUSADO, IPOKRITO

MAINIT na pinag-usapan ng mga netizen nitong nagdaang linggo ang pagkakahuli sa anak ni Senador Raffy Tulfo sa pagdaan sa EDSA bus lane. Hindi napigilan ng mga netizen na kutyain ang senador na kilalang matalas ang dila sa mga mapagmalabis at lumalabag sa batas dahil mismong anak nito na isang kongresista ay pasaway. Anila, malinaw na si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo ay isang lawbreaker at dapat kastiguhin ng amang si Sen. Raffy. Lalong nagngitngit ang netizens nang malaman na pangalawang paglabag na ng kongresista sa loob lang…

Read More

JUDGE SA DE LIMA CASE KINASTIGO NG SC

KINASTIGO ng Supreme Court ang isang hukom dahil umano sa pagkaantala ng kaso ni dating Senator Leila de Lima. Sa inilabas na resolusyon ng high tribunal, pinagalitan nito si Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura na napatunayang guilty sa simpleng misconduct constituting violation of the new code of judicial conduct. Inatasan din ng SC ang hukom na magmulta ng halagang P18,000. Bukod dito, napatunayang guilty rin si Judge Buenaventura sa simpleng pagpapabaya sa tungkulin sa pagganap o hindi pagganap ng mga opisyal na tungkulin.…

Read More

PANGGIGIPIT SA TAMBALANG ISKO MORENO AT CHI ATIENZA SIMULA NA?

IKINAGULAT ng mga supporter ng tambalang Yorme Isko Moreno at Chi Atienza ang inilabas na memorandum noong Enero 20, 2025 ng Manila City Legal Officer. Nabisto lamang ang memo na inilabas ni City Legal Officer Atty. Veronica N. Lladoc nang magtipon sa isang sinehan ang mga supporter ni Yorme Isko nitong nakaraang linggo. Nabatid na sa memo ni Atty. Lladoc, inuutusan ang mga mall administrator at katulad na establisimyento sa loob ng lungsod na payagan lamang ang miting kung may maipakikitang permiso. Sa utos ni Lladoc, may inilabas Executive Order…

Read More

PINAS MAY PINAKAMATAAS NA KASO NG BREAST CANCER SA ASYA

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa pinakamaraming kaso ng breast cancer sa buong Asya habang ika-siyam naman sa buong mundo. Dahil dito, nanawagan si Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas sa gobyerno na maging pro-active sa pagsugpo sa breast kasabay ng paggunita sa World Cancer Day ngayong araw, Pebrero 4. “According to the Philippine Society of Medical Oncology (PSMO), three out of 100 Filipino women can develop breast cancer before they reach the age of 75,” ayon sa mambabatas. Maliban dito, lumabas din aniya sa report ng nasabing organisasyon na ang 16…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PASOK SA MAGIC 7 NG SWS SURVEY

PATULOY ang malakas na suporta sa masa ng FPJ Panday Bayanihan Partylist nang malagay ito sa ikatlong pwesto batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station. Ang FPJ Panday Bayanihan partylist, na pinamumunuan ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, ay nakakuha ng 2.45 porsyento, na nagtitiyak ng kahit isang pwesto kung magaganap ngayon ang halalan. Kasama ni Poe bilang pangalawa at pangatlong nominado ng partido sina Mark Patron, isang lokal na lider na may matibay na panata sa pampublikong serbisyo, at Hiyas Dolor, maybahay ng Gobernador ng Oriental…

Read More