UMANGAT na sa ikalabing-apat na pwesto ang ‘Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025-Pre Election Preferential Survey.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere, nakakuha ng 1.68 percent ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list na nilahukan ng may 2,400 mobile based respondents na may 196 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence level gamit ang Stratified Sampling Quote. Isinagawa ang survey mula Pebrero 11-14 ng taong kasalukuyan.
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers at rescuers ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep’ Goitia” kasama sina Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.
“Tuloy ang laban para sa mas ligtas, mas handa at mas protektadong Pilipinas,” ani Goitia habang ito ay taos-pusong nagpapasalamat sa suporta at tiwala na ibinibigay ng taumbayan sa kanilang grupo upang makapaglingkod sa mamamayang Pilipino hindi lamang sa oras na may sunog maging sa mga oras na sumusuong sa matitinding kalamidad ang Pilipinas.
Ayon pa kay Goitia prayoridad ng ABP party list na mabigyan ng Boses sa Kongreso ang mga bumbero, fire rescuers at volunteers na handang isakripisyo at isuong ang kanilang buhay upang makapagligtas ng tao at ng kanilang ari-arian sa panahon ng sunog.
Idingdag pa ni Goitia na hindi lamang sa panahon ng sunog maasahan ang kanilang grupo kundi maging sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng ibat- ibang kalamidad na mabigyan ang mga ito ng pinansyal at at medical assistance sa abot ng kanilang makakaya.
Ninanais din ng ABP party list na magkaroon ang mga bumbero ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance sa mga panahon na naaksidente sila pagresponde na maapula ang sunog.
Maging ang pagbibigay sa mga ito ng dagdag na kaalaman at kasanayan para sa mas epektibong emergency response . Makakatanggap naman ng livelihood program assistance ang miyembro ng kanilang pamilya.
Layunin din ng ABP na mabigyan ng sapat na kaalaman at training ang bawat barangay upang mas higit na maging handa sa panahon ng sunog at iba pang kalamidad.
Hangarin din ng grupo na makapagbigay ng mga fire trucks at emergency services upang matiyak na may sapat na transportasyon sa pag responde lalo na sa mga liblib na lugar.
Ang ABP party list ay isa sa 155 party list organization na nagnanais magrepresenta sa marginalized sector ng lipunan sa Mababang Kapulungan sa darating na eleksyon sa Mayo 2025.
