₱4.3-M halaga ng droga nakumpiska sa PRO-7

TINATAYANG aabot sa ₱4.3 halaga ng pinananiwalaang iligal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) VII sa tatlong araw na operasyon.

Inihayag ni PRO VII director Brigadier General Redrico Maranan na umaabot sa 6.4 na kilo ng sinasabing shabu, na may kabuuang halagang ₱43,443,840, ang kanilang nasabat sa isinagawang 189 na operasyon.

Sa 207 indibidwal na nahuli ng mga awtoridad, kinabibilangan ang mga ito ng 15 mga high value target, 144 street-level user at pushers at 48 newly identified drug suspek.

Sinabi ni Maranan na ang pagkadakip ng mga suspek ay bunsod na rin ng kanilang pinaigting na operasyon kontra iligal na droga sa loob ng tatlong araw sa kanyang nasasakupan.

Patuloy naman ang isasagawang operasyon ng PRO VII bilang pagtugon sa lumalalang situwasyon ng drug addiction na kadalasang nagiging mitsa ng mga krimen sa bansa. (TOTO NABAJA)

16

Related posts

Leave a Comment