MAHIGIT P2-M SMUGGLED YOSI, NAKUMPISKA SA ZAMBOANGA

KALABOSO ang isang driver ng van makaraang maharang ng mga awtoridad na may kargang pinaghihinalaang smuggled na mga sigarilyo.

Ayon sa ulat, nahuli ng mga tauhan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang Bureau of Customs, ang van sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.

Tumambad sa kanila ang laman ng minivan na may kargang 11 master cases at 140 reams ng umano’y puslit na mga sigarilyo.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ay wala itong maipakita, dahilan upang siya’y arestuhin ng mga awtoridad.

Napag-alaman na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyon ang hinihinalang puslit na mga sigarilyo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang nasabing naarestong indibidwal.

(TOTO NABAJA)

80

Related posts

Leave a Comment