TARGET ni KA REX CAYANONG
MASASABING sa bawat lungsod, may iisang tinig na handang makinig.
May iisang puso na hindi lang tumitibok para sa sarili, kundi para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa Pasig naman, sa gitna ng mga hamon at pag-asang muling bumangon, isang pangalan ang patuloy na lumalakas ang sigaw sa mga lansangan, palengke, barangay, at komunidad—Ate Sarah Discaya.
Hindi bago kay Ate Sarah ang serbisyo-publiko. Bago pa man siya magdesisyong tumakbo bilang alkalde ng Pasig, matagal na siyang naninilbihan sa katahimikan—isang lingkod-bayan na laging naroroon sa oras ng pangangailangan, kahit walang kamera, kahit walang publisidad.
Ang kanyang mga adbokasiya ay simple ngunit makabuluhan: smart city o makabagong serbisyong pangkalusugan, edukasyon na abot-kamay, at oportunidad na pantay para sa lahat.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong niyang ang bawat barangay ay magkaroon ng sariling health center na may sapat na gamit at trained medical personnel.
Ipinaglalaban din niya ang dagdag-puhunan para sa maliliit na mga negosyante at palengkerong matagal nang umaasa sa sipag at tiyaga para makaraos.
Subalit higit sa mga programa, si Ate Sarah ay simbolo ng pagbabagong may puso.
Samantala, sa panahong tila nagiging negosyo na lamang ang pulitika, nananatiling buo ang paninindigan ng isang kilusan na ang pangunahing layunin ay ang ipaglaban ang kapakanan ng bawat karaniwang Pilipino.
Kaya sa gitna ng maraming pangalan sa party-list system, isang pangalan ang nangingibabaw sa malinaw at matatag na adhikain: # 99 Pinoy Ako Party-list.
Kaya ngayong papalapit ang halalan, muling hamon sa atin ang maging mapanuri. Piliin ang mga hindi lang marunong mangako kundi may maipagmamalaking track record ng serbisyo. Piliin ang mga hindi lang nagsusuot ng barong sa Kongreso, kundi may puso’t paninindigang Pilipino sa isip at gawa.
Ito’y dahil ang tunay na kinatawan ay hindi lang marunong magtalumpati, kundi marunong makiramay, makinig, at manindigan.
