LAUSANNE – Kumpiyansa ang pamunuan ng International Boxing Association o AIBA na matutuloy ang boxing event para sa 2020 Tokyo Olympics.
Ipinatigil ng International Olympic Committee (IOC) ang preparasyon ng AIBA para sa susunod na taong Olympic Games, dahil nais muna nitong makatiyak na nilinis na ng amateur boxing body ang liderato nito, lalo na ang finances ng samahan.
Sinabi ni AIBA interim president Mohamed Moustahsane na naging maayos ang miting niya sa IOC officials.
“We had a very productive meeting with the IOC inquiry committee today,” lahad ni Moustahsane.
Naniniwala siyang positibo ang magiging resulta ng nasabing miting, kung saan idinagdag niyang nakatakdang muling mag-usap ang IOC officials para desisyunan ang isyu ng AIBA sa Miyerkoles.
“We remain optimistic about the future of Olympic boxing and AIBA’s ability to safeguard this great sport,” dagda pa niya.
Si Moustahsane, isang Morrocan doctor, ay sinamahan ni AIBA’s American chief executive Tom Virgets sa eight-strong delegation sa hearing.
