(NI ANN ESTERNON)
AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, hindi pa opisyal na nagsisimula ang tag-ulan pero natural lang ang nararanasang pag-ulan o ang thunderstorms.
Madalas ang thunderstorms sa buwan ng Mayo ayon sa historical data ng naturang ahensya. Ito ay dahil kapag ang panahon ay sobrang init, ang mainit at moist air ay mabilis na umaakyat, nako-condense at bumubuo ng cumulonimbus o thunder clouds kaya nagkakaroon ng pag-ulan.
Anyway, ngayong nag-uuulan, parang bitbit nito ang hassle sa pagporma o kahit ang simpleng pananamit lang sa araw-araw. Anytime kasi ay pwede kang mabasa ng ulan at ang malala pa nito ay anytime din ay pwede kang matalsikan ng tubig-ulan na kadalasang nakukuha sa umaandar na sasakyan.
Marami kasing kailangang ikonsidera na kapag ganitong maulan na – lalo pa’t papalapit na talaga ang tag-ulan – iisipin mo talaga ang akmang mga damit bago ka umalis ng bahay at magtungo sa iyong destinasyon, pagpunta sa mall, opisina o kahit saan pa.
So kahit pa pa-goodbye na ang summer ay let it rain and go out with style.
Dahil maulan, iwasan din ang mga light colored lalo na ang white para makaiwas na marumihan ito. Piliin ang dark colors, pero kung kaya mo namang irampa ang light colored na damit ay okay lang basta hindi ito magiging isyu dahil maulan.
Umiwas sa pagdadamit na tipong balot na balot ka sa kasuotan kasama na ang mga accessories. Tandaan na nasa Pilipinas ka pa rin. Light lang dapat ang porma na akma pa rin sa panahon. At syempre, always, always check the weather forecast before you leave, baka naman kasi kung todo pang ulan ang porma mo at paglabas mo ng bahay o sa kalagitnaan ay hindi naman pala uulan. Sa huli masisira lang ang porma at uulanin ka lang ng puna ng iba.
Iwasan din muna ang pagsuot ng mga running shoes o canvas sneakers dahil madali itong mabasa at mahirap matuyo, at kapag nadumihan ay kadalasang hindi na maibabalik sa dating ganda nito.
To keep you dry, dapat ay ready ka sa mga isusuot o gagamitin kapag umuulan.
What to bring on rainy days:
Clear see through umbrella o ang multicolored umbrellas. Ito ang mga estilong bagay sa iyo lalo na sa mga babae o ang mga pa-girl, ika nga. Pero kahit ano pa ay dapat hindi ito baduy.
Stylish rain boots o waterproof leather boots – maraming nag-aakala na nakakahiyang magbota kahit pa ang purpose ng pagsuot nito ay manatiling dry ang mga paa at maiiwas sa baha o ang mas malala ay ang makakuha ng sakit na leptospirosis. Pumili rin ng disenyo nito na akma sa inyong pupuntahan, sa inyong edad o may sapat kayong confidence na suotin ito.
Trendy sleepers or sandals – hindi kailangang mamahalin ang slippers lalo na’t hindi naman kaya ng budget. Ang mahalaga ay okay itong tingnan, may estilo – na simple pero elegante. Siyempre bago ito suotin ay kailangang malinis ang mga paa at mga kuko at hindi parang lumublob kayo sa putikan. At kung nadumihan o bago pa man mangyari ito ay dapat may baon kayong sabon o kahit pamunas man lang sa maruming paa dala ng ulan.
Rain jackets or sweaters – madalas kapag umuulan at mahaba ang itinatagal nito ay posible kayong lamigin lalo na kung nasa opisinang air-conditioned pa. Huwag kalimutang magdala nito o magtabi nito sa inyong locker sa opisina. Piliin lamang ang mga lightweight nito and easy to pack para walang any issues sa paggamit nito. Maganda rin ang uri nito na may adjustable hoods.
Shawls, scarves or ponchos – Maraming kulay at klaseng pagpipiliian sa shawls, scarves o ponchos. Napaka-timeless din kasi ng accessories na ito. Kung tutuusin nga ay pwedeng gamitin ito kahit anong panahon.
Turtlenecks – may mga klase nito na pambabae at panlalaki.
