TUMANGGAP ng Gold Award ang Ospital ng Tondo (OsTon) dahil sa mataas nitong revenue collection efficiency sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Edwin C. Perez.
Ayon sa ulat, nakamit ng OsTon ang 114.3 percent revenue collection efficiency para sa taong 2025, dahilan upang kilalanin ito bilang huwaran sa maayos na pamamahala ng pondo.
“Ang mahalagang tagumpay na ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng ospital sa kahusayan sa pananalapi, transparency at pananagutan sa pamamahala ng pondo ng bayan,” pahayag ni Perez.
Dagdag pa ng direktor, ang paglampas sa revenue target ay malinaw na patunay ng epektibong pamamahala at dedikasyon ng buong OsTon sa pagpapanatili ng fiscal stability upang masuportahan ang de kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa komunidad.
Ipinagkaloob ni Perez ang parangal sa kolektibong pagsisikap ng pamunuan, finance team at lahat ng kawani ng ospital.
Nilinaw rin ni Perez na nananatiling libre ang lahat ng serbisyo sa OsTon at ang tinutukoy na revenue collection ay mula sa PhilHealth.
“‘Yung mga pasyente na no balance billing, PhilHealth ang nagbabayad. Ibinabalik ito sa City Hall para magamit muli ng mga ospital ng Maynila upang manatiling libre ang serbisyo at may pangtustos sa operasyon,” paliwanag niya.
(JESSE RUIZ)
18
