3 SANGKOT SA PAGDUKOT NG MGA KOREANO, NAARESTO

TATLONG kidnapping suspect ang inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng pulisya sa Clark Freeport sa Pampanga dahil sa pagdukot umano sa dalawang Korean nationals.

Ang tatlo ay inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Mabalacat City, Pampanga dahil sa pagkakasangkot umano nila sa pagdukot sa dalawang Korean nationals.

Natunton ang kinaroroonan mga suspek matapos makatanggap ng intel report ang Mabalacat police hinggil sa sasakyang ginamit umano ng mga suspek sa pagtangay sa kanilang biktima.

Sa nasabing pagkilos ng mga awtoridad ay na-rescue din ang dalawang Koreano na kapwa residente ng Angeles City.

Nakuha ng mga pulis ang tatlong baril, mga bala at iba’t ibang identification cards mula sa mga suspek.

Patuloy na sumasailalim sa follow-up investigation ang tatlo para matukoy ang lawak ng kanilang operasyon at kung sino ang posibleng mga kasabwat o protector ng grupo.

Una rito, naglabas ng babala ang Korean Embassy para sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas, na limitahan ang kanilang outdoor activities due to crimes, may ilang buwan pa lamang ang nakalilipas.

Ayon sa datos ng China embassy, nitong nakalipas na buwan ng Mayo ay may 200 criminal incidents na sangkot ang Korean nationals ngayong taon lamang.

Kabilang sa mga kaso ang dalawang homicide cases, tatlong kidnappings for ransom, at mahigit sampung kaso ng pagnanakaw.

Aminado ang Presidential Anti-Organized Crime Commission na ang naitalang mga insidente ay nakakaapekto sa tourist arrivals mula South Korea.

Bilang tugong ng PNP, mas pinalakas ng pulisya ang mga hakbangin para mapangalagaan ang Korean nationals at maging iba pang banyaga.

Pinalawak din ng PNP ang tourist police services at pagsasanay sa ilan nilang tauhan sa foreign languages para mas mabigyang ng maayos na ayuda ang non-Filipino complainants.

(JESSE RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment