TAAS-PRESYO SA PETROLYO, IKALIMA NA – DOE

SA ikalimang sunod na linggo, muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Batay sa apat na araw na trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS), tinatayang tataas ng P1 hanggang P1.20 kada litro ang gasolina, P0.60 hanggang P0.80 kada litro ang diesel, at nasa P0.65 kada litro naman ang kerosene.

Ayon kay Department of Energy (DoE) Oil Industry Management Bureau director Rodela Romero, malaking salik sa paggalaw ng presyo ang mga parusang ipinatutupad ng Estados Unidos laban sa Russian oil, gayundin ang patuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sinabi naman ni Jetti Petroleum president Leo Bellas na naapektuhan ang suplay ng langis matapos paigtingin ng Ukraine ang pag-atake sa mga daungan at refinery ng Russia. Bukod dito, lumalaki rin ang pangamba sa posibleng mas malawak na tensyon sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa ni Bellas, inaasahan ang mas mataas na demand sa diesel habang papalapit ang autumn season at summer driving season, habang ang mga problema sa operasyon ng ilang pangunahing refinery at naka-schedule na turnaround ay posibleng maghigpit pa lalo sa suplay ng gasolina.

(CHAI JULIAN)

35

Related posts

Leave a Comment