(L-R) Jasper Vicencio (President, AB Leisure Exponent, Inc.); Eusebio Tanco (Chairman, DigiPlus Interactive Corp.); Ana Evasco (Chief Operations Officer, PhilFirst)
Para sa proteksyon at kapanatagan ng loob ng mga manlalaro, inilunsad ng DigiPlus Interactive Corp., ang premier digital entertainment company sa likod ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone, at ng Philippine First Insurance Company (PhilFirst), ang unang domestic insurance company sa bansa, ang kauna-unahang surety bond program sa Pilipinas na magsisilbing karagdagang seguridad at kaligtasan sa mga online gaming player.
Casual gamer man o isang loyal fan, tuluy-tuloy lang ang saya sa BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone nang walang takot at agam-agam dahil ang wallet at pondo sa app ay protektado ng nasabing surety bond.
Itinuturing na karagdagang proteksyon pampinansyal, umaabot hanggang sa ₱1 million kada manlalaro ang sakop ng surety bond na ito nang walang karagdagang gastos sa mga player.
Libre at magagamit agad ang surety bond mula sa DigiPlus at PhilFirst sa oras na mag-log in at maging verified ang electronic Know-Your-Customer (eKYC) registration ng isang player. Kailangan lang siguraduhin na updated ang impormasyon at sumusunod ayon sa pamantayan ng platform para maging eligible player.
“Ipinagmamalaki namin na una ang DigiPlus pagdating sa pagbibigay ng ganitong antas ng proteksyon para sa konsyumer,” ayon kay DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco. “Kami ay committed na unahin ang kapakanan ng aming mga player. At sa surety bond, mas mae-enjoy ang paglalaro sa BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone, dahil alam mong protektado ang inyong pondo.”
(L-R) Jasper Vicencio (President, AB Leisure Exponent, Inc.); Eusebio Tanco (Chairman, DigiPlus Interactive Corp.); Ana Evasco (Chief Operations Officer, PhilFirst)
Paano gumagana ang surety bond ng DigiPlus?
Eligibility: Dapat e-KYC-verified ang mga player, nakapagdeposito ng kahit isang beses, at sumusunod sa alituntunin ng platform.
Coverage: Pinoprotektahan ng surety bond ang balanse ng manlalaro hanggang ₱1 milyon.
Activation: Ang proteksyon ay agad na magkakabisa at awtomatikong mag-a-apply para sa lahat ng eligible player ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone.
Mas pinatibay ng bagong surety bond program ang commitment ng DigiPlus sa paghahatid ng maaasahang customer service at proteksyon sa mga player, dagdag pa sa sa 24/7 customer support at mahigit 130 BingoPlus physical store sa buong bansa na convenient at pinagkakatiwalaan ng mga manlalaro.
Sa paglulunsad ng surety bond program, patuloy na itinataas ng DigiPlus ang pamantayan ng gaming industry, hindi lamang sa paghahatid ng exciting at makabagong games, kundi lalo na sa pagpapalakas ng tiwala, proteksyon, at kapanatagan ng mga customer.
(L-R) Jasper Vicencio (President, AB Leisure Exponent, Inc.); Atty. Kristine delos Reyes (Chief Legal and Compliance Officer, DigiPlus Interactive Corp.); Eusebio Tanco (Chairman, DigiPlus Interactive Corp.); Celeste Jovenir (VP of Investor Relations, Corporate Communications, and Sustainability, DigiPlus Interactive Corp.); Ana Evasco (Chief Operations Officer, PhilFirst); Dennis Yaw (Head of Offline Operations, DigiPlus Interactive Corp.)
