(NI FRANCIS SORIANO)
DAHIL sa patuloy na kampanya ng Department of Education (DepEd) ay lalong tumaas ang bilang ng mga enrollees sa lahat ng antas ngayong school year 2019-2020.
Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, mayroong 27,817,737 ang bilang ng mga enrollees ngayong taon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon ng 2.95%.
Bunsod nito, umaasa ang DepEd na sa mga susunod na taon ay bababa pa ang bilang ng mga out-of-school youth sa buong bansa.
Dagdag pa nito, naging matagumpay ang kanilang kampanya na early enrollment campaign para hikayatin ang mga magulang na maagang ipa-enroll ang kanilang mga anak para magbalik-eskuwela.
187