TAMA lamang para kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na hindi na pondohan ang mga hilaw na programa gaya ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Nangako si Gatchalian na haharangin ang anomang pagtatangka na pondohan ang programang AKAP.
“Ang gusto natin ay mga programang pinag-aralan nang mabuti, may feasibility study, para alam natin ang tiyak na magiging epekto,” pahayag ni Gatchalian.
Ibinahagi rin niya ang datos na nagpapakita na mas marami ang benepisyaryo ng AKAP sa mga lugar na mababa ang poverty incidence, habang mas kakaunti naman ang nakatanggap sa mga lugar na mataas ang poverty incidence.
“Ang masaklap, redundant ang programa, nasasayang lang ang pera, at nagiging inefficient pa,” paliwanag pa niya.
Binigyang-diin din ng senador na halos pareho lang ang layunin ng AKAP at ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.
Sa halip na pondohan ang AKAP, sinabi ni Gatchalian na mas pipiliin niyang dagdagan ang pondo para sa programang AICS, na tinapyasan ng Php 17.7 bilyon o 40% mula sa kasalukuyang alokasyon, base sa 2026 National Expenditure Program (NEP).
(DANG SAMSON-GARCIA)
153 