MERALCO NAGHATID NG LIWANAG SA MGA RESIDENTE NG NOVALICHES

Pinailawan kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF) ang 169 na kabahayan mula sa anim (6) na barangay sa Novaliches, Quezon City.

Sa pamamagitan ng Household Electrification Program ng OMF, magkakaroon na ang mga residente ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente. Pinangunahan ang lighting ceremony nina (L-R):  Meralco Valenzuela Sector-Logistics Team Lead John Paul D. Bunag, Meralco Valenzuela Sector Manager Abraham Eñeres, Meralco Head of North Distribution Services Sante Buella, Meralco Head of Home & Micro North Business Area Alleni O. Pascual, Quezon City District 5 Action Officer William Bawag, Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes, OMF President at Meralco Chief CSR Officer Jeffrey O. Tarayao, Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas, Barangay Nova Proper Captain Asuncion Visaya, Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, Meralco Novaliches Business Center Head Corazon Pilapil, Barangay Nagkaisang Nayon Captain Sonny Dela Cruz, and OMF CSR Program Manager Michael del Rosario.

Nagpasalamat ang mga residente at nagpahayag ng tuwa sa programa na anila ay makatutulong para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kanilang mga pamilya at komunidad. Hindi lamang liwanag ang hatid ng Meralco at OMF sa komunidad kundi pati na rin pag-asa at oportunidad para sa mas maunlad na pamumuhay.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Meralco at OMF na gawing inklusibo ang pag-unlad at tiyaking walang Pilipinong maiiwan sa dilim.

60

Related posts

Leave a Comment