PABRIKA SA LAGUNA NILAMON NG APOY

LAGUNA – Nilamon ng apoy ang isang pabrika ng mga plastik at karton sa loob ng Meridian Industrial Complex, Purok 6, JB Village 2, Barangay Balibago, Sta. Rosa City madaling-araw ng nitong Martes, Oktubre 14.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sta. Rosa, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling at umabot pa sa ilang bahagi ng gusali kung saan naroon ang mga makina na umano’y sumasabog habang nasusunog.

Agad nagresponde ang mga bumbero mula sa Sta. Rosa at mga karatig-bayan, kasama ang ilang fire volunteers, upang apulahin ang apoy.

Dakong alas-5:00 ng umaga tuluyang idineklarang under control ang sunog.

Sa ngayon, wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala.

(NILOU DEL CARMEN)

64

Related posts

Leave a Comment