PASAY CITY — Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ngayong Martes, Oktubre 14, 2025, ang inspeksyon sa mga paaralan sa lungsod kasunod ng utos ng DepEd na tiyaking ligtas ang mga gusali matapos ang sunod-sunod na lindol at pagtaas ng influenza-like illness sa mga mag-aaral.
Kasama sa inspeksyon sina Engr. Johari Rangiris ng City Engineering Office at Dr. Joel Torrecampo ng DepEd.
Umabot na umano sa 200 kaso ng flu-like virus sa Pasay mula Hunyo, ngunit walo na lang ang aktibong kaso.
Ipinakita rin ng alkalde ang matitibay na lamesa, hard hat, at emergency kits sa bawat silid-aralan bilang paghahanda sa sakuna. Kasabay nito, nagsagawa rin ng disinfection at inatasan ang mga paaralan na gawing regular ang ganitong aktibidad. (DB)
58
