RAPIDO ni PATRICK TULFO
ISA na ngang ganap na batas ang libreng serbisyo at pagpapalibing sa ating mahihirap na mga kababayan.
Sa ilalim ng batas na ito ay libreng makakukuha ng serbisyo at libing ang namatay matapos na isumite ng pamilya nito ang mga karampatang requirements katulad ng form na manggagaling sa DSWD, death certificate at kontrata mula sa punerarya.
Kukunin sa pondo ng DSWD ang natural pambayad upang wala nang iintindihin ang mga kaanak ng namatay.
Ang mga ganitong batas ay dapat na ipaalam sa mga kababayan natin dahil marami tayong batas na hindi alam ng karamihan.
Dapat ay nagpapalabas ng anunsyo ang DSWD sa mga ganitong uri ng batas upang ipaalam sa mga kababayan natin na sa panahon ng kanilang pagdadalamhati ay katuwang nila ang gobyerno upang kahit papano ay maibsan ang kanilang iisipin.
Isa ang batas na ito sa tunay na mapakikinabangan at talagang makatutulong sa ating mga kababayang hirap sa buhay.
