Higit 4,000 pasahero stranded; 58 PANTALAN NAGKANSELA NG OPERASYON SA PAGTAMA NG BAGYONG RAMIL

KANSELADO ang operasyon ng hindi bababa sa 58 pantalan sa buong bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Ramil sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Batay sa situational report ng Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Coast Guard (PCG) na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming kanselasyon ng biyahe ang naitala sa Bicol Region na may 26 cancelled trips.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 18 kanseladong biyahe, habang 11 trips naman ang kanselado sa MIMAROPA Region. Samantala, dalawang pantalan sa Eastern Visayas ang muling naging operational at tumatanggap na ng mga biyahe.

Kabuuang 4,178 pasahero naman ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa, kung saan mahigit 3,100 rito ay mula sa Bicol Region.

Ayon sa NDRRMC, nakakatanggap na ng paunang tulong gaya ng pagkain at tubig ang mga stranded passengers habang patuloy ang monitoring sa mga epekto ng bagyo at posibleng pagbalik ng operasyon sa mga naapektuhang pantalan.

(JESSE RUIZ)

47

Related posts

Leave a Comment