CAVITE – Mahigit P150,000 cash at baril ang tinangay ng ‘di pa nakikilalang lalaki mula sa opisina ng isang junk shop sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Lunes ng gabi.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Rain”, 36, negosyante, nagbakasyon sila sa Dasmariñas City, Cavite subalit pagbalik nila sa kanilang junkshop sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-6:00 ng gabi ay napansin na puwersahang sinira ang padlock ng opisina at tinangay ng suspek ang isang kalibre .45 na baril at humigit-kumulang P150,000.00 cash.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa mga dinaanan ng suspek para sa pagkakakilanlan nito.
(SIGFRED ADSUARA)
279
