AIR FORCE CHOPPER NA MAY 6 SAKAY, BUMAGSAK

KINUMPIRMA ng Philippine Air Force (PAF) na isang Super Huey Helicopter na may sakay na anim na sundalo ang iniulat na bumagsak sa pagitan ng Agusan del Sur at Davao de Oro nitong Martes ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat, umalis ng Davao ang PAF chopper patungong Butuan nitong Martes bandang alas-10:55 ng umaga nang bumagsak ito sa bisinidad ng Loreto, Agusan del Sur at Laak, Davao de Oro.

Sa inilabas na statement ng PAF, ang kanilang Super Huey helicopters ay bumagsak nitong Nobyembre 4, 2025, sa bisinidad ng 60th Infantry Battalion (IB) sa Agusan Del Sur.

Ang nasabing aircraft ay bahagi ng flight of four helicopters na lumipad mula sa Davao to Butuan para magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission.

Nawalan umano ng communication ang helicopter kaya agad na naglunsad ng Search and Rescue (SAR) operation.

Agad ding ipinag-utos ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari at sanhi ng aksidente.

“The PAF is focusing all efforts on the ongoing SAR operations. We are praying for the safety of the pilots and crew involved in this unfortunate air mishap,” ayon sa tagapagsalita ng PAF.

Ito ang ikalawang air asset ng PAF na bumagsak kasunod ng naunang FA-50 jet fighter sa Bukidnon.

(JESSE RUIZ)

91

Related posts

Leave a Comment