NANAWAGAN si Akbayan party-list Rep. Chel Diokno sa publiko na maging mapagmatyag upang hindi maabuso ang State of National Calamity na idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Tino at Uwan.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1077, isinailalim ang buong bansa sa state of national calamity sa loob ng isang taon, na nagbibigay pahintulot sa emergency at negotiated procurement para mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga nasalanta.
Ngunit babala ni Diokno, maaaring maulit ang mga iregularidad tulad ng Pharmally scandal noong nakaraang administrasyon kung walang malinaw na transparency at accountability safeguards sa pagpapatupad ng proklamasyon.
“We stand in solidarity with our people during this time of crisis. But with the declaration of a state of national calamity, the government must ensure full transparency in all transactions to guarantee that every peso is used properly, efficiently, and solely for the benefit of those affected,” ani Akbayan party-list Rep. Chel Diokno.
Sa ilalim ng nasabing proklamasyon papayagan ang emergency at negotiated procurement upang mas mapabilis ang paghahatid ng mga kailangan ng mga biktima ng kalamidad at magtatagal ito ng isang taon kaya sakop nito ang mga darating pang kalamidad sa 2026.
Sinabi ng mambabatas na walang malinaw at striktong “transparency and accountability safeguards” sa nasabing proklamasyon na posibleng pagmulan ng katiwalian.
Nagyari aniya ito noong panahon ng COVID-19 nang bumili ang gobyerno ng emergency health kits kung saan nabigyan ng pinakamalaking kontrata ang Pharmally na naging ugat ng matinding katiwalian.
Dahil dito, inirekomenda ni Diokno na maglagay ng safeguard sa nasabing proklamasyon upang maiwasan na maulit ang Pharmally scandal.
“The declaration of emergency powers is not a blank check. Such authority must always come with transparency, accountability, and clear limits to ensure it truly serves the people,” dagdag pa ng sa mambabatas.
(BERNARD TAGUINOD)
18
