TULAK NA VAN DRIVER SWAK SA SELDA

LUCENA CITY – Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Lucena City SDEU dakong alas-12:30 ng tanghali noong Martes sa Purok Ilang-ilang, Barangay Isabang sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Chester Allan Tan, isang van driver, at residente ng Barangay 6, sa nasabing lungsod.

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang anim na gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang halagang P122,400.

Ayon kay PLt. Col. Ryan Hernandez, hepe ng Lucena City Police Station, ang suspek ay kabilang sa talaan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) bilang isang street-level drug personality.

Nahaharap si Tan sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(NILOU DEL CARMEN)

14

Related posts

Leave a Comment