CAVITE – Dalawang menor de edad ang iniulat na nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas City at Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Kervin”, 12, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, at “Prinxe”, 16, ng Naic, Cavite.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon noong Miyerkoles, habang naliligo sa ilog sa Sitio Silangan, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, ay nakita ng kanyang kasama si Kervin na lumulubog.
Tinangka umano nitong sagipin ang biktima ngunit tuluyan itong lumubog.
Samantala, naligo ang biktimang si Prince kasama ang ilang kaibigan sa Timalan, Balsahan River sa Barangay Timalan, Balsahan, Naic, Cavite bandang alas-4:45 ng hapon.
Ngunit nagtungo umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa nalunod ito.
Nang naiahon ng mga kasamahan, isinugod ang biktima sa Lorenzo Hospital subalit idineklarang dead on arrival.
(SIGFRED ADSUARA)
36
