KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nailipat na sa Regional Trial Court (RTC) ng Lungsod ng Lapu-Lapu ang dalawang kasong kriminal laban kay contractor Sarah Discaya at sa ilang inhinyero ng DPWH.
Ayon kay Atty. Camille Sue Mae Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema mula Davao Occidental, ang paglilipat ng kaso ay alinsunod sa guidelines na nagsasaad na ang mga kasong may kaugnayan sa katiwalian sa proyekto ng gobyerno ay dapat ihain sa pinakamalapit na anti-graft court ng judicial region, na itinatakda ng presiding o executive judge.
Ani Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang RTC sa Lapu-Lapu City ang mag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Discaya at sa mga opisyal ng DPWH.
Ang kaso ay may kinalaman sa graft at malversation, inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y P96 milyong pekeng flood control project sa bayan ng Jose Abad Santos.
(JULIET PACOT)
92
