GOV HELEN TAN KINILALANG OUTSTANDING GOVERNOR FOR LUZON SA GAWAD PARANGAL 2026

GINAWARAN si Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan ng pagkilala bilang Outstanding Governor of the Philippines (1st–3rd class category for Luzon) sa ginanap na Gawad Parangal Awarding Ceremony noong Abril 28, 2026 sa Zamboanga City.

Ang parangal ay iginawad ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) bilang bahagi ng 29th National Social Welfare and Development Forum and General Assembly.

Kinilala ng ALSWDOPI ang pamumuno ni Governor Tan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng social welfare services sa lalawigan ng Quezon, kabilang ang kanyang HEALING Agenda na sumasaklaw sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan, turismo at mabuting pamamahala.

Ilan sa mga ito ang STAN Kalinga ng Kapitolyo para sa Quezonians Program na naglalayong makapagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga Third-Party Service Providers para sa angkop at nararapat na serbisyo sa mga nangangailangan. Gayundin ang pagbibigay ng tulong-kabuhayan na hatid ng Livelihood Programs, Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan Medical Mission, at educational assistance sa ilalim ng “Scholarship Code of the Province of Quezon.”

Dagdag pa rito ipinatupad, sa pangunguna ng Office of the Provincial Social Welfare and Development Officer, ang mga programang nagbigay ng suporta at serbisyo sa mga sektor ng kabataan, kababaihan, Persons with Disabilities, senior citizens, mga pamilya at solo parents, former rebels, at suporta sa mga programa ng DSWD.

Ayon kay Governor Tan, asahan pa na patuloy nilang pagbubutihin at pagiigtingin ang paghahatid ng mga social welfare and development programs sa mga lubos na nangangailangan sa lalawigan ng Quezon.

76

Related posts

Leave a Comment