PNP-HPG: 10 SASAKYAN PA NI ZALDY CO ISUKO

NANAWAGAN si PNP-Highway Patrol Group (HPG) Director PBGen. Hansel Marantan sa mga may hawak ng iba pang sasakyan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co na kusang isuko ang mga ito.

Ayon kay Marantan, 10 sasakyan pa ang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad matapos makuha ang 16 na luxury vehicles sa isang condominium ni Co sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

May dalawang sasakyan pa umanong naiwan sa condominium matapos hindi umandar, at kasalukuyang bantay-sarado ng mga awtoridad.

Ang mga nakuhang sasakyan ay dinala na sa tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) para sa kaukulang proseso.

Una nang iginiit ng PNP leadership na lehitimo ang isinagawang operasyon ng PNP-HPG katuwang ang Bureau of Customs (BoC), lalo’t nakipagtulungan ang pamunuan ng condominium kung saan narekober ang mga sasakyan.

(TOTO NABAJA)

30

Related posts

Leave a Comment