PARTY-LIST AYAW NANG MAPAG-IWANAN SA KAMARA

congress123

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na papayag ang party-list group sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maging “marginalize” ang mga ito na naging kalakaran na sa mga nakaraang Kongreso.

Ito ang tiniyak ng lider ng nasabing grupo na binubuo ng 54 Congressmen na si 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na humingi ng 20% na sa 75 committee sa Kamara.

“Hindi dapat marginalize ang party-list (group),” paliwanag ni Romero kaya kailangang ibigay umano sa kanila ang 20% sa mga nabanggit na komite o katubas ng 15 Committee chairmanship.

Ayon sa mambabatas, noong 15th Congress ay 3 committee chairmanship lamang umano ang ibinigay sa mga party-list Congressmen habang 10 naman sa nagdaang 17th Congress.

Malayung-malayo ito sa 20% na kanilang puwesto sa Kamara na kumakatawan sa mga marginalize sector kaya sa pagkakataong ito ay kanila umanong ipaglalaban ito.

“As party president ng (party-list) coalition, hindi na kami papayag sa ganun,” ani Romero.

Sinabi ni Romero na kung may mga masisipag umano sa Kongreso ay ang mga party-list congressmen dahil ang talagang nagsusulong ng mga panukalang-batas na nakatutulong, hindi lang sa sektor na kanilang kinakatawan kundi sa lahat ng mga Filipino.

Sa katunayan aniya, kalahati umano sa mga naipasa at napirmahang batas ay ginawa ng mga party-list Congressmen kaya nararapat lamang umano na ibigay sa mga ito ang 20% sa mga committee sa Kapulungan.

Kabilang sa mga hinihingi umano ng grupo sa mga nanliligaw na kandidato sa speakership ay major committee subalit hindi niya sinabi kung ano ang mga ito.

Ang itinuturing na “Big 3” Committee sa Kamar ay ang House rules committee na pinamumunuan ng House Majority leader, Committee on appropriations at ways and means committee na ayon kay Romero ay kahit kailan ay hindi nahawakan ng party-list representative.

 

155

Related posts

Leave a Comment