Mundo ni Atong Ang lumiliit na – Sec. Remulla PILIPINAS MAY LIAISON OFFICER NA SA CAMBODIA – DILG

INIHAYAG ni DILG Secretary Jonvic Remulla na may liaison officer na sa Cambodia para makipag-ugnayan sa posibleng kinaroroonan ni Atong Ang.

Sinabi ng Kalihim, may extradition treaty doon ang Pilipinas sa Cambodia, at kung nandoon si Ang ay posibleng mapauwi ito sa bansa.

Ayon kay Remulla, lumiliit na ang mundo ni Ang ngunit aminado ang Kalihim na malaking hamon ang paghuli sa puganteng si Ang.

Pero, kahit na maraming salapi, kaya pa rin aniya itong mahuli kagaya na lang ng nangyari kay dating Congressman Arnulfo Teves na wanted noon sa kasong murder.

Samantala, sa nakalipas na 20 araw, ay 18 sites na ang na-raid ng PNP na posibleng kinaroroonan ni Ang.

(TOTO NABAJA)

22

Related posts

Leave a Comment