ERWIN TULFO PERSONA NON GRATA NG PMAAAI

erwin12

(NI JG TUMBADO)

IDINEKLARANG persona non grata ang Radyo Pilipinas anchorman na si Erwin Tulfo, ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc.  (PMAAAI).

Kasunod ito ng ginawang pag aalipusta at pagpapahiya ni Tulfo kay Social Welfare and Development  (DSWD) Secretary at dating Philippine Army Commander, Rolando Bautista kamakailan sa kanyang programang “Tutok Erwin Tulfo”.

Sa ipinalabas na press release ng Asosasyon nitong Lunes, bilang persona non grata ang presensya ni Tulfo sa kahit na anong aktibidad ng samahan at hindi na bibigyang halaga at maging sa iba pang affiliated organizations ng PMA.

Aalisan na rin ng karapatan si Tulfo sa mga prebilehiyong ibinibigay sa mga responsableng mamamahayag ng bansa.

Nilagdaan ni PMA-AAI Chair and CEO, Retired Major General Rufo De Veyra at President and COO, Police Colonel Arthur Bisnar ang naturang deklarasyon.

Bukod sa paglabag ni Tulfo sa Broadcast Code ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Journalist’s Code of Ethics of the National Press Club ay nilabag din umano ng mamamahayag ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at ang Revised Penal Code.

Matatandaang nangyari ang pamamahiya ni Tulfo kay Bautista matapos umanong i-reject nito ang mga tawag para sa isang interview sa programa sa radyo ng mamamahayag.

200

Related posts

Leave a Comment