BALASAHAN SA PHILHEALTH: MIYEMBRO ‘DI APEKTADO — DUQUE

doh500

SA planong balasahan sa Philhealth tulad ng gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na hindi maapektuhan ang miyembro ng ahensiya sa mga gawain.

Sa interview sa radyo, sinabi ni Duque na unti-unting isasagawa ang palabasahan at uunahin ang mga departamentong sangkot sa katiwalian.

Sinabi ni Duque na maganda ang layuning sibakin sa trabaho ang mga mapatutunayang nagkasala at balasahin naman ang matitira. Sa ganitong sistema ay makatitiyak na hindi maapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo sa mga miyembro ng ahensiya.

Noong Lunes ay mahigpit na ibinilin ng Pangulo sa health department na magsumite ng resignation letter ang mga opisyal nito kasabay ng paglilinaw na hindi ito uri ng kaparusahan.

“Sabi niya, I want a clean slate. Tapos pag-aaralan ko mismo kung ano dapat gawin dito sa PhilHealth,” sabi umano ng Pangulo sa ahensiya.

 

140

Related posts

Leave a Comment