TUNAY NA KALAYAAN HANGAD NI DU30 SA ARAW NG KALAYAAN

duterte12

(NI BETH JULIAN)

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Punong Himpilan ng 6th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Lanao del Sur.

Ginanap sa Barangay Matalin, Malabang, Lanao del Sur saan dinaluhan ng mga opisyal at kasapi ng Philippine Army.

Gayunman, hindi naman masabi ng Malacanang kung bakit sa nasabing lugar napili ng Pangulo na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan.

Pero una nang inihayag ng Pangulo na nais nitong gunitain ang Araw ng Kasarinlan sa piling ng mga sundalo na patuloy na naglalaan ng kanilang buhay para sa kapayapaan ng bansa.

Si Pangulong Duterte ay kaisa ng sambayanang Filipino sa pagkilala sa naging sakripisyo ng ating mga ninuno para makamit ang ating kalayaan.

Sa mensahe ng Pangulo para sa Araw ng Kalayaan, sinabi nito na ito ang pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan.

Sinabi ng Pangulo na hindi lamang nito natuldukan ang mahigit tatlong siglo ng pagiging sunud sunuran sa mga dayuhan, kungdi ay natagpuan din natin ang tamang direksyon tungo sa ating kapalaran.

Gayunman, malaki ang naging kabayaran ng kalayaan na ito dahil ang kapalit ay dugo’t pawis ng ating mga ninuno at bayani kaya marapat lamang umano nating pag ingatan ang mga sakripisyo ng kanilang inialay at tiyakin na hindi ito mapupunta sa wala.

130

Related posts

Leave a Comment