FAST CRAFT TIGIL-BYAHE NANG BUMANGGA SA PANTALAN

ocean12

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI muna umano pahihintulutan ng Philippine Coast Guard na bumiyahe ang isang fast craft matapos bumangga sa Bredco Port, sa Bacolod, Negros Occidental nitong Lunes (Hunyo 10).

Batay sa ulat ng PCG , nabangga  ng M/V Ocean Jet 12, na pag-aari ng Ocean Fast Ferries Incorporation na sakay ang 147 na kinabibilangan ng pitong bata, ang dulong bahagi ng pantalan.

Nabatid na 147 ang sakay ng barko , 140 nito ay mga nasa hustong gulang at  pito  ang mga bata.

Nagtamo ng minor injuries ang 12 pasahero at isang crew na ginamot sa Sanitarium Hospital, sa Bacolod City.

Nagmamaniobra umano si Captain Edwin Puga,  para iparada ang barko sa Bredco Port nang aksidenteng matumbok ang pantalan dahil sa pagpalya umano ng throttle ng barko.

Dahil dito, inirekomenda na maghain ng marine protest at mainspekyon ang certificate of seaworthiness ng barko  sa Maritime Industry Authority (MARINA) bago ito payagan muling makapagbiyahe upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

150

Related posts

Leave a Comment