IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyong naglalayong obligahin ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual counting ng mga boto sa antas ng presinto sa ilalim ng Republic Act 9369.
Ayon sa desisyon ng SC, taliwas sa layunin ng automated elections ang pagsasagawa ng parallel manual count sa mismong araw ng halalan.
Dahil dito, ikinatuwa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang naging pasya ng mataas na hukuman.
Ayon kay Garcia, pinagtibay ng Korte Suprema ang buong automation ng national at local elections sa bansa.
Sinabi rin nito na hindi inaatasan ng batas ang parallel manual count dahil maaari itong magdulot ng matinding pagkaantala at magbukas ng oportunidad para sa manipulasyon at pandaraya sa eleksyon.
(JULIET PACOT)
91 