Binibining Pilipinas candidates in evening gowns pose with the esteemed panel of judges at the Road to the Crown: The Binibining Pilipinas 2026 Gala.
Isang panibagong milestone ang minarkahan ng NUSTAR Online sa pakikipagtulungan nito sa Binibining Pilipinas bilang presenter ng kauna-unahang Binibining Pilipinas Gala.
Ginanap noong ika-22 ng Hunyo sa Novotel Manila Araneta City, ang “Road to the Crown: The Binibining Pilipinas 2026 Gala” ay isang kaganapang pinagsama ang mga personalidad sa pageant, sponsors, kinatawan ng media at mga mahahalagang bisita para sa isang gabi na nagdiriwang ng paglalakbay ng 36 na kandidata na naglaban-laban para sa pinakamimithing mga korona sa Binibining Pilipinas.
Nagsilbing bilang pageant’s preliminary competition, ang gala ay itinampok ang mga pinakaaabangang swimsuit at evening gown segment, kung saan ipinamalas nang 36 na kandidata ng Binibining Pilipinas 2026 ang kanilang poise, elegance at stage presence sa harap ng mga pinagpipitagan hurado. Bilang kinatawan ng NUSTAR Online sa judging panel ay ang Brand Manager nito na si Alexander Barcela kasama ang mga executives ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) at mga kapwa brand partners.
NUSTAR Online x Binibining Pilipinas campaign video played right after the swimsuit segment.
Ang pangunahing nagpaningning nang gabing iyon ay ang debut ng NUSTAR Online x Binibining Pilipinas campaign video na ipinalabas matapos ang swimsuit competition. Sa kampanyang ito, ipinagdiriwang ang modernong Pilipina at binigyang muli nang panibagong kahulugan ng NUSTAR Online ang BBP bilang Beauty, Body at Personality na nagbibigay parangal sa mga kababaihang nagtataglay ng kumpyansa, pagiging totoo, kapatiran at empowerment habang sinasalamin nito ang pangako ng brand na suportahan ang mga platform na nagbibigay inspirasyon sa mga kababaihan na ituloy ang kanilang mga adhikain.
Gloria Diaz (center) receives the crown as the first-ever inductee into the Bb. Pilipinas Sisterhood Hall of Fame, joined by BPCI Executive Committee Member Pia Roxas Ojeda-Banal (left) and Bb. Pilipinas Miss Universe 2010 Venus Raj.
Binigyang pugay rin ng gala na ito ang pageant royalty na si Gloria Diaz, ang kauna-unahang Filipina na nakakuha ng titulong Miss Universe, na pinarangalan ng BPCI sa naturang programa para sa kanyang pangmatagalang kontribusyon sa Philippine Pageantry at pangmatagalang impluwensya sa mga henerasyon ng mga Filipina.
Ang pagdiriwang na ito ay siya rin nagbigay halaga sa pagpapatuloy ng Binibining Pilipinas sa pangako nito sa mga makabuluhang layunin. Sa nasabing programa, inihayag ng BPCI na ang malilikom na halaga sa 2026 National Costume Competition sa Hulyo 2 sa New Frontier Theater ay ilalaan bilang suporta sa earthquake relief efforts sa Sarangani at iba pang apektadong lugar sa pamamagitan ng Philippine Red Cross.
Habang hinihintay ang pinakaaabangang Grand Coronation Night sa Hulyo 18, inihayag ng BPCI ang mga pagtatanghal mula sa Alamat, Kyle Echarri, at Jericho Rosales kasama na rito ang pagdalo ng reigning Miss International Catalina Duque ng Columbia at The Miss Globe Chayathanus Saradatta ng Thailand.
NUSTAR Online Exclusives host Jercy Cruz and Bb. Pilipinas International 2025 Katrina Anne Johnson pose at the NUSTAR Online photobooth.
Mas pinahusay pa ng NUSTAR Online ang guest experience sa pamamagitan ng pagkakaroon ng photo wall activation kung saan ang mga dumalo ay nagpakuha ng mga larawan sa isang propesyonal na photographer at natanggap nila ang mga printed na larawan bilang photo souvenirs.
Bilang Official Presenter ng Binibining Pilipinas sa ilalim ng tatlong-taon partnership, ipinagpapatuloy nang NUSTAR Online ang pagpapalakas at pagbibigay ng buong suporta nito sa organisasyon, sa misyon nito at sa mga kandidata na matapang na tinatahak ang sariling daan patungo sa korona.
Para sa mas eksklusibong nilalaman, mga events at premium lifestyle experiences, sundan ang NUSTAR Online sa @nustaronline.
106 

