MULING kinilala ni Senador Mark Villar ang mga natatanging nagtapos mula sa iba’t ibang tertiary educational institutions sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa akademya, pamumuno, integridad, at paglilingkod sa komunidad.
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga estudyante mula sa Cebu Technological University–Main Campus, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, iba’t ibang kampus ng Laguna State Polytechnic University, Southern Luzon State University, at Tanauan City College.
Binati ni Villar ang mga awardee at hinikayat silang ipagpatuloy ang paggamit ng kanilang kaalaman at kakayahan sa paglilingkod sa bayan.
Muli rin niyang ipinahayag ang suporta sa mga panukalang magpapalawak ng akses sa dekalidad na edukasyon, kabilang ang Gadget Subsidy and Internet Aid Act at Student Guidance Counseling Act, upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga kabataang Pilipino.
Hinimok din ng senador ang mga awardee na patuloy na maging huwaran ng mahusay na pamumuno, integridad, at malasakit sa kapwa.
(DANNY BACOLOD)
135 