Hiniram na vape hindi naibalik GRADE 10 SINAKSAK NG KAKLASE SA CAVITE

SINUSPINDE ng pamunuan ng isang pampublikong eskuwelahan ang afternoon shift ng kanilang klase dahil sa umano’y insidente ng pananaksak sa isang Grade 10 student ng kanyang kaklase sa loob mismo ng nasabing paaralan sa Tanza, Cavite noong Lunes ng hapon.

Bagama’t pinapasok muna ang mga estudyante ng morning shift, nagdulot ito ng napakahabang pila dahil sa ipinatupad na security measure.

Makaraang pauwiin ang morning shift, nagdesisyon ang pamunuan ng eskuwelahan na suspindihin ang klase ng afternoon shift.

Nauna rito, hiniram umano ang vape ng suspek ng kanyang kaklase noong Biyernes ngunit hindi ito naibalik.

Nang pinababalik umano ng suspek ang kanyang vape, itinanggi ito ng naghiram dahil pinagpasa-pasahan na ito na tuluyang ikinagalit ng suspek at humantong sa pananaksak sa mukha ng kanyang kaklase.

Naalarma ang pamunuan ng eskuwelahan at pulisya makaraang kumalat sa social media ang insidente at ipinaabot sa alkalde ng bayan.

Sinasabing hindi na umano nagreklamo ang mga magulang ng biktima at nagkaayos na habang tumanggi naman ang pamunuan ng eskuwelahan na magbigay ng anomang pahayag.

(SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment