INIHAYAG ni PNP PIO chief, PCol. Allen Rae Co, tukoy na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na pumaslang kay Alicia Lipata o Mima Alicia, sa Caloocan City.
Ayon kay Co, miyembro o inupahan ng isang sindikato ang mga suspek para patayin ang lady vlogger.
Ang pagkakakilanlan ng mga suspek ay base sa isinagawang pangangalap ng mga ebidensya, testigo gayundin ang backtracking at forward tracking ng CCTV footages.
Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa mga suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.
Base sa profiling sa mga suspek, ang isa rito ay mayroong iba’t ibang mga kaso pero hindi na pinalawig pa ng opisyal ang detalye hinggil dito upang hindi makompromiso ang patuloy na isinasagawang operasyon laban sa mga ito.
(TOTO NABAJA)
103 