KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng aktibidad ang Iglesia ni Cristo (INC) sa Hulyo 27, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., makikipag-ugnayan ang PNP sa pamunuan ng INC kaugnay ng kanilang nakatakdang pasasalamat at sa lugar kung saan ito gaganapin.
Tiniyak ni Nartatez na magbibigay ang PNP ng sapat na seguridad sa pagtitipon, na inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 100,000 katao.
Sinabi rin ng PNP chief na nakahanda na ang traffic management plan sa Commonwealth Avenue para sa Hulyo 27, kabilang ang pagpapatupad ng zipper lane.
Bukod sa no rally zone, maglalagay rin ng mga barrier at magde-deploy ng Civil Disturbance Management personnel upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar.
(TOTO NABAJA)
84 