VACC NANAWAGAN NG HUSTISYA PARA SA MISSING SABUNGEROS

NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) at iba pang law enforcement agencies na tiyaking magpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero hanggang sa mapanagot ang mga responsable.

Sa isang press conference, sinabi ni VACC National President Arsenio “Boy” Evangelista na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga pamilya ng mga biktima sa kanilang paghahangad ng hustisya.

Ayon kay Evangelista, nauunawaan niya ang kanilang pinagdaraanan dahil siya mismo ay naging biktima ng karahasan matapos mawalan ng anak.

Hinikayat din niya ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na lumapit sa VACC upang mabigyan ng legal na gabay at iba pang suporta.

Kaugnay ng umano’y mga alok na areglo sa ilang pamilya ng mga biktima, sinabi ng VACC na dapat manaig ang katotohanan at pananagutan upang tuluyang maresolba ang kaso at makamit ang katarungan para sa lahat ng mga biktima.

(JULIET PACOT)

101

Related posts

Leave a Comment