BANYAGA NATAGPUANG PATAY SA TABI NG SASAKYAN

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang duguang bangkay na hinihinalang isang banyaga, sa tabi ng isang sasakyan sa Brgy. Iba, Silang, Cavite noong Miyerkoles ng gabi.

Isinugod ang biktima sa Silang Medical Specialist ngunit idineklarang dead on arrival.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na nakita ng isang saksi na tumakas lulan ng isang tricycle.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang duguang katawan ng biktima na nakahiga sa semento sa tabi ng isang itim na Toyota Fortuner na may plakang GAM 9593, na ang kaliwang harapang gulong ay nakadausdos sa kanal bandang alas-11:40 ng gabi.

Ayon sa isang saksi, napansin niya ang mga suspek na sumakay sa isang tricycle at tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Inaalam pa ng pulisya kung pagmamay-ari ng biktima ang nasabing sasakyan kung saan siya natagpuang patay at kung may motibo ng pagnanakaw sa insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

117

Related posts

Leave a Comment