(NI HARVEY PEREZ)
KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Security Exchange Commission (SEC) ang mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA) na nasa likod ng multibillion-investment scam.
Nabatid na sinampahan ng kasong paglabag sa Sec 27 at 28 ng Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code (SRC) sa DOJ sina KAPA founder at president Joel Apolinario, trustee Margie Danao at sa misis ni Joel na si corporate secretary Reyna Apolinario.
Kasama rin sa kinasuhan ng SEC sina Marisol M. Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan dahil sa panghihikayat at pag-promote sa naturang investment scam.
Nalaman na ilang indibidwal pa ang iniimbestigahan ng SEC na posibleng sampahan rin nila ng kaso dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Sinabi ng SEC na hinikayat umano ng Kapa ang kanilang mga miyembro na mag-donate
ng hindi bababa sa P10,000 kapalit ng 30 porsiyento monthly “blessing” o “love gift”.
Pinapangakuan daw ang mga magdo-donate na mag-invest at mabubuhay na sila sa pamaamgitan ng “blessing” na darating sa kanila kapag nakuha na nila ang kanilang payout.
163