(NI KEVIN COLLANTES)
SISIMULAN na ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation ang pagkukumpuni sa bahagi ng Bocaue River Bridge, na inaasahang magdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.
Sa advisory na inisyu ng NLEX kahapon, nabatid na isasailalim ang Bocaue River Bridge sa deck slab replacement at girder strengthening.
Anang NLEX, ang naturang pagkukumpuni, na may tatlong bahagi, ay inaasahang tatagal ng may tatlong buwan.
Sisimulan umano ito ngayong araw, Hunyo 19, at inaasahang matatapos hanggang sa Setyembre 7, 2019.
Sa unang bahagi nito, kinakailangang isara ang 100-meter portion ng southbound middle lanes para sa rehabilitation works, simula Hunyo 19 hanggang Hulyo 12.
“Please expect traffic delays due to lane closures and counterflow that will be implemented in certain sections,” bahagi ng abiso ng NLEX.
Tiniyak naman nito na kung kakailanganin ay magpapatupad na lamang sila ng counterflow scheme para maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
153