INARESTO ang isang babae sa isang coffee shop kahapon ng hapon ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Sta. Rosa Laguna dahil sa akusasyon ng RA 9262 o Pakikiapid.
Ayon sa records ng Sta. Rosa Laguna NBI, nag-issue ng warrant of arrest si Hon. Judge Rico Sebastian Liwanag ng RTC 136 Makati City laban kay Sophia Mikaela Salcedo Fernandez at sa isang alias “Asun Ng” o “Angelo S. Huang” na di umano ay asawa ng isang private complainant na ‘di pinangalanan.
Ang mga akusado ay nahaharap sa violation ng section 5(i) ng RA 9262 o “violence against women and children act” dahilan sa natamong “mental” at “emotional anguish” sa ‘di umano ay “illicit relationship ” ng mga akusado.
Samantala hindi nagbigay ng pahayag si Ms. Fernandez sa insidente.
Si “Asun Ng” o “Angelo S. Huang” na may warrant of arrest ay kasalukuyang wanted at pinaghahanap ng pulisya. SAKSI Ngayon Reportorial Team
