RUNWAY MODELS: BAKIT SILA PAYAT?

MODEL

(Ni Ann Esternon)

Marami sa atin ang nakapanood na ng iba’t ibang fashion shows kahit sa television lamang.

Pero habang nanonood tayo ay sunud-sunod din ang tanong natin tulad ng bakit payat ang models?

Habang nanood din tayo ay hindi natin namamalayan na nagiging observant tayo at iyon ang ating topic ngayon sa mga tanong na dapat sagutin when it comes to fashion world.

Skinny

Kadalasang models sa runway ay mga skinny. Pero bakit sila ang pinipiling rumampa?

Measurements matter. Sizes matter. Ito ang bagay na ikinokonsidera ng designers.

Paniwala ng designers, ang mga nilikha nilang damit ay mas madadala sa mga payat na mo­dels kaya naman sila ang samples para sa catwalk at photo sessions. Gusto nila na magmukhang maganda ang kanilang mga damit. In order for that to happen, the clothes need to drape and flow, at natural ang dating nito kapag nasa mga babaeng matataas, at may skinny frame.

Sa pagiging skinny, iba rin naman ang hirap ng models dito. Ingat na ingat sila sa mga kinakain nila at kailangan laging healthy carbs, iwas sa sobrang matatamis o maaalat na pagkain. Marami rin sa kanila ang nagpupunta sa gym at sige lang sa workout nang ilang beses sa isang araw dahil sa hectic schedules nila.

Ang isang laging common reason kung bakit payat ang laging kinukuha ay dahil designers want audiences to pay more attention to the clothing the woman is wearing than to her overall look.

So Serious

Common sa models na hindi nangiti habang pinapakita nila ang mga obra ng kanilang designers. Ito ay para mabuhos ang a-tensyon ng audience sa damit, bags, o sapatos na kanilang ipinapakilala.

Almost Twins

Mapapansin ding ang models na nasa runway na halos magkakamukha. Sadyang ito rin kasi ang gusto ng designers para walang distraction na mangyari o magkaroon ng sobrang attention ang audience sa mukha ng models kapag ruma­rampa na sila. Wala rin itong pinagkaiba sa malls na ang models nila ay ang mannequins. Karamihan sa mannequins ay walang facial reactions o ang iba sa mga ito ay wala talagang mukha – ulo lamang, bald head o sad­yang walang mga ulo.

Almost Nude

Yes. Lagi ring tanong ay bakit hindi nagsusuot ng bra ang babaeng models?

Pansin nating most models have small boobs. Para sa designers at sa talagang may alam sa fashion world, bras simply don’t look good under clothing. Boobs and fashion are like oil and water. Ang totoo nito ay mas attractive ang small chested women kapag walang bra.

Hindi papayag ang designers na magsuot ng undergarments ang models nila dahil magiging visible lamang ang mga ito under clothing, dahil maaa-ring sa tabas o sa materials na ginamit sa mga damit. Magiging distractions lamang ang undergarments sa clothing.

Unwearable Garments

May models na rumarampa sa runway na mga weird ang kasuotan kaya naroon ang tanong natin na, “Bakit ko naman isusuot iyang ganyang damit?” o kaya ay, “Sinong hilo ang susuot niyan sa office o lalakad sa kalye nang ganyan?” Pwede mo ring iangal na, “Hindi ko pinangarap na magmukhang malaking lampara sa damit na iyan!”

Totoo namang mahirap iyan suotin gaya ng mga damit na may accessory na sobrang laki o malaki pa sa ulo mo. Mayroon naman na halos imposibleng i-manage dahil kapag tinupi mo o magusot ay parang ang hirap nang iporma pa. Paano pa kaya kung ganito ang suot mo kung nasa L/MRT ka o kahit pa ikaw ay naka-cab?

Pero totoo ring mayroon sa mga ito na unwearable talaga.

Kapag ang damit ay nirarampa na sa runway, we are talking high, creative fashion here, made by designers and usually marketed as luxury goods, at hindi casual at everyday-life fashion tulad ng common brands na nakikita natin sa malls o ang tinatawag na mass-market brands.

Ang mga weird clothing na ito ay wala talaga sa malls o boutiques.

Ang fashion ay hindi fashion tulad ng iniisip mo. Fashion is not only about looking pretty, art iyan. Creativity ang pinapakita rito. Dito ini-express ng designers ang kanilang mga sarili.

Kung simpleng tee shirts lamang iyan ay walang dating unless lalagyan mo ng message na nakasulat dito. Pero kung halimbawang may design pa ito na punit-punit ay tumataas ang pagiging creative ng designer.

Kaya tandaan natin, sa fashion runway ay art exhibition iyan. Fashion show iyan. Hindi iyan range of products na naka-display lang sa mannequins.

Ang models na rumarampa ng ganito ang suot ay maingat sa pag-display ng mga damit. It is some kind of dance in a carefully chosen venue, with finely-worked decor and music.

393

Related posts

Leave a Comment