P25-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-PORT OF ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES

Muli na namang nakais­kor ang Bureau of Customs Port of Zamboanga matapos masabat nito ang aabot sa  P25 milyon  halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Zamboanga kamakalawa.

Ang pagkakasabat ng mga sigarilyo ay sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Navy sa BOC Port of Zamboanga.

Batay sa ulat, ang mga kargamento ay sakay ng MJ Farnaliza na naharang  ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy at BOC Port of Zamboanga sa  bisinidad ng Baliwasan, Zamboanga City.

Matatandaan, na noong nakaraang buwan ay nakumpiska rin ng nasabing pwerto sa tulong pa rin ng Philippine Navy ang P35 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo. Ito na umano ang  pinakamalaking halaga ng smuggled na sigarilyo na nasabat sa kasaysayan ng  Port of Zamboanga.

Ang serye ng pagkakasabat ng smuggled cigarettes ay resulta na rin ng mas pinaigting na anti- smuggling operations ng BOC.

Kung matatandaan, naging pangunahing direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero  sa lahat ng puwerto sa bansa  na higit pang paigtingin ang kani-kanilang anti-smuggling operations. (Joel O. Amongo)

188

Related posts

Leave a Comment