GUERRERO NANGUNA SA PORT OF SUBIC 26TH FOUNDING ANNIVERSARY

PORT OF SUBIC 26TH FOUNDING ANNIVERSARY

Pinangunahan ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang 26th Founding Anniversary ng Port of Subic, Zambales nitong nagdaang Hunyo 19.

Si Guerrero ang nagsilbing  guest of honor sa naturang selebrasyon na kung saan binigyan niya ng pagkilala ang ilang opisyal nito dahil sa kanilang patuloy na pagsisikap para malagpasan ang kanilang monthly, quarterly at yearly target collection.

Bukod rito, pinuri rin ni Guerrero ang  bagong mga proyektong inilunsad  ng naturang puwerto tulad ng Goods Declaration Verification System (GDVS), National Value Verification System (NVVS), BOC Document Tracking System (DTS) at ang BOC Customer Care Portal.

Malaki umano ang tulong ng mga nabanggit na proyekto para masolusyunan at maisakatuparan ang  mga polisiya ng BOC para sa stakeholders at customers nito.

Magugunitang, marami  na ring pagbabagong ipinatupad  si Guerrero simula nang maupo ito sa ahensya  ilang buwan na ang nakalilipas na kung saan pinalitan niya si dating BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Kabilang sa mga ito ay ang Republic Act No. 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang mga ipinatupad na pagbabago ni Guerrero sa BOC ay nagdulot ng maganda at positibong resulta sa mga target collection at maging ang pagbabago ng kalakaran sa pagbaba at paglabas ng mga bakanteng containers sa Manila International Container Port (MICP). (Jomar Operario)

149

Related posts

Leave a Comment