(NI NICK ECHEVARRIA)
PATULOY pa rin ang gagawing panghuhuli ng Philippine National Police (PNP) sa mga sangkot sa operasyon ng jueteng sa bansa, ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Gayunman, sinabi ni Banac na ipauubaya na nila sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag na mas gugustuhin pa nito ang patuloy na operasyon ng jueteng kesa drug trafficking sa bansa dahil nagiging kabuhayan o source of living na ng mga mahihirap na Filipino ang jueteng.
Ayon kay Banac, mananatili ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin na hulihin ang mga sangkot sa operasyon ng jueteng at iba pang mga ilegal na sugal alinsunod sa RA 9287.
Suportado naman ng PNP ang numbers game operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na Small Town Lottery o STL bilang pamalit sa jueteng.
238