(NI ABBY MENDOZA)
BILANG paggalang sa parliamentary courtesy, pinayuhan ng dalawang senior congressman si Senador Manny Pacquiao na umiwas sa pakikialam sa isyu ng House Speakership.
Payo nina 1-Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta at House Majority Leader Capiz Rep. Fredenil Castro na dapat pagtuunan na lang ng pansin ni Pacquiao ang mga isyu sa Senado.
Ani Marcoleta, sa halip na makisawsaw si Pacquiao sa Kamara ay dapat pagtuunan nito ng pansin ang magkaroon ng Senate President na mula sa kanyang partidong Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
“Bakit dito (House of Representatives) ka (Pacquiao) nag-e-endorso? Sa
Senado bakit hindi mo i-endorso na ang Senate President dapat ay
PDP-Laban? Bakit ang inaasinta mo dito ang speakership? Hindi ka
naman makakaboto dito dahil hindi ka naman congressman,” pahayag ni Marcoleta.
Matatandaan na si Pacquiao ang nag anunsyo na si Marinduque Rep Lord Allan Velasco ang siyang ineendorso na House Speaker ng PDP Laban subalit kinontra ito ni dating House speaker Pantaleon
Alvarez sa pagsasabing wala pang konsultasyon ang kanilang partido sa kung sino ang susuportahang Speaker.
Dagdag pa ni Castro na ilang miyembro ng PDP laban ang nagsabing personal lamang ni Pacquiao ang pag-eendorso kay Velasco.
“They were claiming that Senato Pacquiao’s position is not the official party stand. In short, they questioned what Senator Pacquiao has been doing in the speakership
race. He should not dip his finger on the affairs of the House of
Representatives. He is a senator,” giit ni Castro.
134