KAPATID NA ABOGADO NI DUQUE, DAWIT DIN SA PLUNDER COMPLAINT

EARLY WARNING

Tama lang ang naging desisyon ng mga kamag-anak ng Dengvaxia victims na isama sa kanilang plunder complaint ang kapatid ni Health Secretary Francisco Duque III na si Atty. Gonzalo Duque dahil nakita nila na may papel ito sa ‘maanomalyang’ lease contract sa pagitan ng Philippine Health Corp. (PhilHealth) at kanilang family-owned company.

Ayon sa complainants na sina Ariel Hedia at asawang Ruby, Darwin at Merlyn Bataan, Raul at Elloly Galoso, Sonia Guerra at Liberty Ganzore, malinaw na may sabit itong si Atty. Duque na na-appoint noong 2017 bilang commissioner ng Social Security Commission (System).

Lumalabas, ayon pa sa kanila, na hindi kailan lang naganap kundi mahigit 20 taon na ang nakararaan ang pag-upa ng PhilHealth Region 1 office sa Dagupan, Pangasinan sa building na pag-aari ng Educational and Medical Development Corp. (EMDC), na sinasabing kompanya ng mga Duque at ito ay base na rin sa kanyang (Atty. Duque) pag-amin sa isang radio interview.

Nitong nakaraang buwan, sinampahan ng complainants, na suportado ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pangunguna ng head nito na si Chief Persida Rueda-Acosta, si Duque III ng kasong plunder at paglabag sa Code of Conduct ‘for failure to divest ownership of his substantial stock interests at EMDC.’

Nakabase ang kanilang pagsampa laban kina Duque sa naging rebelas­yon ni Senador Ping Lacson na itong si Duque III ay stockholder ng EMDC kung saan s’ya ay may 13,268 shares of stocks.

Ayon pa sa senador, ang PhilHealth Region 1 ay te­nant sa isang gusali na pag-aari ng EMDC kung saan ang mga opisyal nito ay mismong ang health secretary at kanyang mga kapatid.

Mag-amang Malapitan, tinupad ang pangako sa mga homeless sa Camarin

Tinupad ng mag-amang Caloocan Mayor Oca Malapitan at Congressman Along Malapitan kasama si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ang Inter-Agency Committee nang kanilang ipa­mahagi ang Certificate of Eligibility of Lot Award sa may 198 residente sa Camarin lalo na iyong mga nakatira sa isang lugar doon na kilala sa tawag na Civic Center.

First batch pa lang sila, dahil aabot sa mahigit na 2,000 beneficia­ries ang mabibiyayaan ng kanilang lupa sa darating na panahon, ayon kay Mayor Oca. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

113

Related posts

Leave a Comment