DU30 TATAPAK SA US ‘PAG NAIBALIK ANG 3 BALANGIGA BELLS

Malaki ang tsansang tumapak sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kapag naibalik na sa Pilipinas ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng mga Amerikano bilang “war booty” noong Philippine-American War.

Ang pagsasauli ng Balangiga Bells, ayon kay Foregn Affairs Secretary Teddyboy Locsin, ang naging kon-disyon ni Pangulong Duterte para tanggapin ang paanyaya ng Washington na bumisita siya sa Amerika.

Ayon kay Locsin, isang ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Pangulong Duterte nang ipaalala sa kanya ang nasabing kondisyon kasunod ng pasya kamakailan ng Amerika na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Sinabi pa ng kalihim na ipinabatid niya kay US Ambassador Nikki Hailey noong nakaraang taon ang nasa-bing kondisyon ni Duterte para tumapak sa Amerika at makalipas ang isang taon ay ibinalita sa kanya na pumayag si Defense Secretary James Mattis.

Matatandaang, ipinababalik ni Pangulong Duterte sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na nina-kaw ng US bilang premyo sa giyera matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihang edad 10 pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Pilipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.

Sinasabing, ang dalawang bells ay nasa US military base sa Cheyenne, Wyoming at ang isa ay nasa museum sa South Korea.

ROUND THE CLOCK SECURITY

Planong bigyan ng “round the clock security” ng mga opisyal ng Simbahang Katoliko ang Balangiga bells kapag naibalik na ito sa parokya ng St. Lawrence the Martyr sa Pilipinas.

Ayon kay Balangiga parish priest Father Serafin Tybaco, ang seguridad ng mga naturang kampana ang pangunahin nilang concern sa gi-nagawang paghahanda ngayong nalalapit nang maibalik sa kanilang parokya ang naturang religious artifacts.

Inaasahan na rin umano nila na daragsain maging ng mga turista ang kanilang lugar upang makita ang tat-long kampana na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901 bilang simbolo ng pagkapanalo nila sa giyera.

Sa inisyal na plano umano ay idi-display ang mga kampana, kasama ang mga iba pang nasirang kampana sa isang memorial na itinayo sa tabi ng simbahan o kaya ay magtatayo ng museum para sa artifacts.

Gayunman, depende pa rin umano ito sa mapagkakasunduan, sa gaganaping pulong ng simbahan, local government at national heritage authorities.

Nitong Huwebes, sa isang seremonya na dinaluhan nina Pentagon chief Jim Mattis at Philippine Ambassa-dor Jose Manuel Romualdez, sa F.E. Warren Air Base sa Wyoming, ay isinagawa ng symbolic turnover ng Balangiga bells sa Pilipinas.

Ani Romualdez, dadalhin muna sa Philadephia ang dalawang kampanya na nasa Wyoming, upang ayusin.

Matapos ito ay dadalhin ang mga kampana sa Korea, kung saan naroroon ang ikatlong kampana, bago tuluyang iuwi ng Pilipinas.

Posible umanong maibalik ng Pilipinas ang mga kampana sa kalagitnaan ng Disyembre 2018 o kaya ay sa unang bahagi ng Enero, 2019.

252

Related posts

Leave a Comment